Miyerkules, Pebrero 23, 2011

Ang Talambuhay ni John Teody Briones ( Ang Batang Makulit Daw? )

ako sa kasalukuyang taon..
Ako si John Teody Cataag Briones, ipinanganak noong Abril 12 1995, bunga ako ng mag-asawang Leila Cataag at Teodoro Briones, Ipinanganak ako sa Canlubang Laguna, ang aking ina ay tubong san pablo laguna at ang akin namang ama ay tubong victoria laguna.

              Meron akong isang kapatid na babae, ang kanyang pangalan ay Apple Mae Bolivar, siguro nagtataka kayo kung bakit mag kaiba kami ng epilyido? dahil hindi tlaga kami mag kapatid sa ama, pero gnun paman tunay na mag kapatid ang turingan namin sa isat isa.

ako at ang aking kapatid..
            Lumaki ako sa piling ng aking pinakamamahal na lola, hindi ko alam kung bakit, ang lagi nya lang sinasabi sa akin ay may trabaho daw ang aking ina, at ang ama ko naman ay nauwi laang noon gada linggo, pag misan nga eh buwanan pa ang kanyang uwi, masaya ako sa piling ng aking lola, dahil sa mapag mahal siya at mapag aruga, sabi pa nga ng mga tita ko ako daw ang paborito nyang apo, lagi kaming sabay na kain ng tanghalian, pag minsan nga eh pauli-ulit nalang ang aming ulam, lagi nalang kalabasa, pero hindi kami nag sasawa dito dahil paborito namin ito parehas.

            Limang taon ako ng pumasaok ako sa kinder, masaya ako noon dahil ang pasok lang namin noon ay umaga at pag kaawas ko nang tanghali ay diretso na agad ako sa pag bibisekleta, paborito kung laruan iyon nung ako ay kinder pa lamang pero hindi ako pinapayagn ng aking lola na mag bisekleta sa kalsada pero doon ko gusto kasi malawak, tanda ko parin noon pag napasok kami lagi kaming pinag dadala ng aming guro ng face towel un daw ang aming pamunas namin sa aming maaamos na muka, at isang araw pa nga noon wala kaming pasok yung kaklase ko na kapitbahay namin, inasar ko siya hanngang sa mag iyak siya ang lakas na lob ko dahil kasama ko yung pinsan ko na malaki na, pero nung kinabukasan sa sobrang takot ko nag pahatid ako sa nanay ko kahit may trabaho siya, pero hindi naman ako pinaiyak ng kaklase ko, sabay pa nga kaming umuwi noon at mag kasama kami sa pag papapraktis nang aming gradution, dumating na ang araw na kami ay gagraduate, nag taka ako kung bakit ako may sabit na medal, sabi ng nanay ko magaling daw ako kaya meron ako noon, tanda ko parin noon na umiyak ang aking kaklase dahil wala daw siyang medal.

              Taon ding iyon, malubha na ang sakit ng aking lola, hindi ko alam ang sakit nya basta malungkot ako kasi hindi ko na sya nakakasabay sa pag kaen, isang araw nalang ng dinala siya sa ospital kasama ang nanay ko, at pag uwi ng nanay ko agad sinabi sa akin na wala na daw ang lola, hindi ko alam kung anung gagawin ko, basta nalang tumulo ang luha ko noon ng hindi ko.

            Anim na taong gulang ako ng pumasok ako ng grade 1 hindi na ako masyadong nakakapag laro noon dahil mag hapon na ang aming pasok, pero masaya parin nag kitakita muli kaming mag kakaklase, nakakapag laro na lamang ako noon ay pag sabado at lingo, kasama parin ang kaybigan ko na pinaiyak ko noong kami ay kinder.
           
            Pinaka malungkot na taon na siguro ito para sa akin dahil nga sa ang tagal nbang hindi nauwi ng aking ama nasabi nalang sa akin ng aking ina na malubha na daw ang sakit nito na cancer, ang tanong ko lang noon kung nasaan siya, sinabi naman ng aking ina na nasa kanila daw sa Victoria agad ko siyang niyaya duon upang bisitahin, pero nang dumating kami duon e hindi ko na siya nakaka usap ng maayos, basta nalang siya nakahiga, sabi ni inay dahil daw sa sobrang takaw manigarilyo at mag-inom ng alak ng aking ama kaya siya nag kasakit ng ganoon, nung kami ay paalis na noon sobra nalang ang nadama ko na kalungkutan, bakasyon na iyon at malapit na uli ang pasukan.

               Umakyat na ako ng grade 2 at inilipat ako ng aking ina ng school napunta ako sa central school, dahil daw kagalit niya ang magiging guro ko nsa akin dating paaralan, ng isang araw sinabi sa akin ng aking ina na wala na daw ang aking ama, agad akong napluha nuon, hidi agad kami nakapunta doon, nakapunta lang ako noong libibg na nya, napakalungkot ko kasi wala na ang aking pinakamamahal na ama.

              Pinagpatuloy ko ang aking pag aaral kasama ang aking ina at kapatid, naranas ko noon na kumaen ng tanghalian sa labas lamang ng classroom, hindi ako noon makakain sa canteen wala akong kasama, dahil puro may mga nana yang mga estudyante doon, at ang nanay ko naman ay maraming ginagawa, at abala siya sa kanyang trabaho.

              Nakatapos ako ng pag aaral doon, maraming nagging kaybigan, malungkot dahil hindi ko na sila muling magiging kaklase dahil halos lahat sa kanila ay sa private school na mag aaral, kahit gustuhin kong sa private mag aral dahil san a iinggit ako sa kanila at dahil narin sa ang aking kapatid na babae ay sa liceo de san Pablo nag aaral, pero ayaw ng aking ina kaya naman sa dizon high ako pinapasok ng aking ina.

              Masaya ako sa pag pasok sa dizon high, maraming mga kaybigan, at isa pa ay kasama ko ang 2 kong kabarkada na nakatira rin sa aming baranggay, mag kasama kaming tatlo sa pagkain, sa pag uwi, at pag minsan pati narin sa pag cucutting classes, at nakapasa naman ako ng 1st year.

              Umakyat ako ng 2nd year kung saan martami akong natutunan, dito ko naramdaman at naranasan kung ano ang pakiramdam ng mahulog sa klase, dahil lagi akong late, pag minsan hindi na talaga ako napasok, mag hapon akong tambay, hanggag sa dumating ang araw na nalaman ng aking ina na halos lahat ng aking marka ay hulog, napaawa ako noon sa aking ina, tama nga nasa huli ang pag sisisi. Nag karoon ako noon ng summer classes, dahil sa gusto ng ina ko na umakyat ako ng 3rd year na walang masyadong bitbit na asignatura, at naipasa ko nmn ang aking summer class.

              3rd year na ako noon, marami ng pag babago, masipag na akong pumasok noon, masarap pala ang pakiramdam ng napasok ka, akala ko noon hidi kasi nga naiisip ko nakakatamad, at doon ko rin naisip na kaylangan kong mkapag tapos ng pag aaral para mabigyan ko ng magandang buhay ang aking ina at kapatid, at para narin masuklian ko ang mga binigay na suporta sa akin ng aking ina, pero marami na talaga ang nagbago sa buhay ko noon, umattend nga ako ng isang seminar sa simbahan, hindi lang ito basta seminar, isa rin itong samahan ng mga kabataan, marami ako’ng natutunan ditto, nalaman ko ang kahalagahan ng aking pamilya, at pagmamahal sa pamilya, ang samahan nga palang iyon ay tinatawag na BOND OF LOVE SOCIETY o SOCLea seminar on Christian leadership, masaya talaga ang naramdaman ko.

ako at ang BOND OF LOVE SOCIETY..
ako at siya :)
               4th year na ako ngaun, masaya maraming kaibigan, nung una panga na pasukan ay hindi talaga ako nabibilang sa pangkat ng I kundi ako dapat ay sa pangkat ng H, pero ayoko doon dahil ang schedule ng pasok ay pang hapon, kaya isinama ko ang aking ina upang kausapin ang aking adviser, at nagawan naman ito ng paraan, nakilala ko ditto ang tunay kong kaibigan kung saan sila ay masayahin, at masarap makisama, magkakasama kami sa naganap na SCIENCE CAMP masaya kami nuon, pero hindi lahat ng mga kaibigan ko ay nakasama, pag katapos naman ng science camp ay sumama naman kami sa FIELD TRIP 3 lang kaming mag kakasama sa aming mag kakaibigan nuon, natapos ang field trip at sumunod naman ang JS masaya rin naman ako nuon, paano kasi gawa niya, siya yun. Pero ang pinaka masayang part ang pagiging 4th year ko ay ang nalalapit na GRADUATION DAY, magkakahiwalay na kami ng mga kaklase ko at kaibigan, pati narin siya, at iyan ang aking talambuhay, SALAMAT J

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento