Huwebes, Pebrero 24, 2011

Talambuhay ni Mark Anthony Dimasapit

              Taong 1993,ika – 5 ng disyembre isinilang ang batang nagnganalang Mark Anthony  Dimasapit. Labingpitong taong gulang at nakatira sa brgy. Imok calauan,laguna. Ang king mga magulang sina Roda Dimasapit at Mario de Jesus. Ngunit  hindi katulad ng ibang bata ako ay hindi lumaki sa piling ng aking mga magulang.



https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgPlF-GeS9KbKiIt3w0lgUGlZ3g_3WJwjTZPa7hSKBX9KchqlyXYUK3u1AvCzukM1Mq5nyIsMXlObA7-NUbAR-uil81fXJbZb3DH4xbitdfYTMgYmp7TXUXsP1TCD5tWbUE6S8bDpaPRrw/s400/kj.jpg
Kuha naming pic malapit sa aming kinakainan
           Dalawang taong gulang pa lamang ako nahiwalay ay nakahiwalay na ako sa kanila. Nang makulong ang aking ama ay ipinaampon ako sa aking lolo at tiyahin na nag-aruga,nagpalaki at nagpaaral sa akin.Itinuring nila akong tunay na anak at itinuring ko rin silang tunay na magulang,sila ay sina Maylene Dimasapit at Porfirio Dimasapit.naging mas malapit ako sa kanila kaysa sa aking mga tunay na magulang,tinatawag ko silang nanay at tatay.hindi tulad ng iba,naging malungkot ang pagluwal sa akin,ako raw ay isang oras ng patay ng lumabas.nagpapasalamat ako at binigyan ako ng Panginoon ng pangalawang buhay.
          At nang pagtungtong ko ng 4 na taon nag-umpisa na  akong  mag-aral ,ito ay sa tatay,rizal kung saan ako ipinanganak,binigyan nila ako parangal bilang “most behave”.Nang makatapos ako ng daker,lumipat kami sa san marcos s.p.c.doon ko ipinagpatuloy ang aking pag-aaral bilang kinder,nagkamit din ako ng karangalang most behave at 4rth honor.nabigyan ako ng alaala,nagkapeklat ako sa binti dahil sa kalikutan,imbis na sa pinto ako dumaan palabas ay sa bintana ako dumaan,may nakausli pa lang pako dun.makalipas ang ilang buwan hindi namin namalayan na graduation na pala,hahaha.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjgIhwUaJ-ic5oH67Dcb89URd_kDfNrEGVaHlRRzXg9W_76c2MJp3Utc6XZuwTdFD52Sl8tRpgSlXb1EYJ5-s2mZ02k-MF_Xiw_-ZEwuX8ISUYF2nmumLJ4FxG98otQMTNY9Tkb81hosmg/s320/kj2.jpg
todo pause kahit mabanas nung araw na un
          Akala ko noon ala ng pasok dahil tapos na ang graduation,hindi pa pala dun nagtatapos meron pa pala.Ang grade one, ang pinakahindi ko malilimutan noong elementary pa ako,pano ba naman napa squat kaming buong klase dahil sa pagyaya ko sa kanila na lumabas para tignan lang yung eroplanong dumaan may kasama pang pingot sa tenga pag-uwi.
          Marami akong naging kaibigan,napakasaya lalo na pag nagkukulitan,habang tumatagal lalo kaming nagiging close sa isa t isa.kami-kami pa rin ang magkakaklase hanggang sa matapos kami nang pag-aaral.Natandaan ko pa noong naging player ako ng takewando,habang nagjajogging kami bigla akong lumingon sa likod,tumama tuloy ako sa ulo ng kaplayer ko nagbukol ng malaki ang aking mata,ang masama pa pag-uwi ko napalo pa ako anak ng teteng.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgQF77xvSWcKGvnRj5nFs-HUDZwDLhss8jh5mewxxNP-T9pYHl09zIRLMTgClSOCg04Vt-69lbHedKFpjdEwn9K4zUK3-n0f2oEzmVeaByXS_iu-k-42HTcI7mez-mBIJK4jpQe8sq3GFE/s320/kj5.jpg
picture namin nung JS
          Grade six nagsimula na aking magkacrush,dahil dun nakabuo kami ng isang banda para lang mangharana noong recognition,ang pangalan ng banda naming ay jivana and jema band based on our initial name.Ilang buwan na lang graduation na nalungkot kami kasi magkakahiwalay na ang barkada.akala ko ayon na ang pinakamalungkot na mangyayari sakin ang mawalay sa mga kaibigan,pero hindi pala mas nakakalungkot ang malawan ng mahal mo sa buhay lalo na ang nagpalaki at nag-aruga sayo.December 25,2005 ,pagkatapos kong maggala at mamasako nadatnan ko ang aking tatay na nakikipag away sa kapitbahay,hindi ko ito pinansin kasi hindi ko naman alam yun,nang tignan ko sila sa likod ng bahay naming nakita ko nakaluhod na ang aking tatay at may nakatutok na tubo sa kanyang batok akala ko kung anu yun,yun pala ang tinatawag sumpak na siyang pumatay sa tatay ko.Naging malungkot ako noon,ibinurol ang tatay ko ng limang araw nagpunta ang mga tunay kong magulang.
          Hindi ko sila pinapansin nun dahil may hinanakit pa ako sa kanila pero kinausap ako ng aking mga tiyahan na naging dahilan para mapalapit ang lood ko sa kanila.Gusto na nila akong kuhanin dahil wala na daw ang tatay ko,pero hindi ako pumayag dahil gusto kong lumaki sa piling ng aking nanay na siyang nagpalaki sa akin.Lumipas ang ilang buwan at unti-unti ko ng nakakalimutan ang pagkawala ng aking ama.Pinagpatuloy ko ang king pag-aaral ng sekundarya sa Col. Lauro D. Dizon MNHS.Nakahalubilo ko ang ibat ibang uri ng bata,may makulit,mabait at pala-away.Pero kahit ganun naging kaibigan ko pa rin sila,nakalipas ang ilang buwan ko sa 1st year tumawag sakin ang aking mama nagalit pa nga ako dahil tumawag siya sa oras ng klase,pero nagulat ako sa sinabi nya,patay na daw ang tunay kong ama hindi pa ako naniniwala nung una pero nung ipinakiusap nya sakin ang aking lola tsaka pa lang ako naniwala na nagbigti nga daw ang aking ama.hindi kaagad ako pumunta sa burol nya dahil may pasok nga,pero nung huling burol napilitan akong umabsent para pumunta dahil nagpaparamdam na siya sa akin,eh takot pa naman ako sa multo.Inilbing ang aking ama na may sama ako ng loob ko sa kanya,nitong 15 na ko tsaka ko narealize ang mga pagkukulang nya.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh8jUCMT6FYAbJ7JnLwei5lSoZkj697HuhkItPhyRYY8NWNvkcEa9Z-CyOS783jQk2MrH3csN8ofd8ybJUtj4ow2u2zbLE_du-lIH8l-yrex8MdAZY0Ucr6nDI4Cy2mjxwfDtXq5H6-NAc/s320/kj3.jpg
nakuhanan pa ko e tumago na nga ako
          Lumipas ang ilang taon na hindi ko na ko na kasama ang aking mga Ama.Pero kahit naging malungkot ang mga pangyayari sa aking buhay,naging matatag pa rin ako at ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral.2nd year panibagong taon,panibagong muka rin ng aking mga kaklase.Sa part naman ng aking high school life ayon ang pinakamasaya,kasi lahat kami ay magkakaclose ma babae man o lalaki.Kaya naging malungkot ako nung naging 3rd year na kami dahil iba iba na kami ng section may bumaba may tumaas pero kahit ganun hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan naming nagkaroon kami ng reunion sa bahay ng isa naming kaklase.Nagpicnic kami sa isang ilog na malapit sa kanila,nagluto kami nasunog pa,pero sa mga taong gutom walang sunog-sunog.
          Dumating naman sa buhay ko kailangang tumigil sa pag-aaral dahil sa kakapusan sa pera dahil humina ang tahi ni nanay.Hanggang sa napalipat kami sa brgy. Imok kung saan kami nakatira ngayon.Hindi naging madali ang pakikisama ko sa mga tao dun,marami akong nakaaway.Dun din ako napasali sa isang samahan ng kabataan,akala ko nung una kong anu yun,samahan pala ito ng mga kabataan para kay mama mary ito ay tinatawag na mary help of Christians crusade o mhcc.Naging member ako nito,dahil sa samahang ito marami ako natutunan tungkol sa mga ispiritual na bagay tulad ng magdasal,magsimba tuwing lingo,umatend ng mga seminars,magvigil tuwing 1st Friday.Napasali na din ako sa knights of the altar o kilala sa tawag na sacristan,pero kahit napasama ako sa mga maka Diyos na samahan naging pasaway pa din ako.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj5Rhw7jJ0nI5Dv2rkX9OU09mIxeErf2AWANB2j87ub2tJJsgB5w7jxpinRK6tYEJcklflC5_ht_I8FR5RsoCOXwHrxu9d2PoCwOrWVSCFgITKTJ6uXbtD_pMbM1ute_8CXwsud4Cw96l4/s320/kj4.jpg
larawan namin ni martinez
          Natuto akong manigarilyo at mag inom.Napasali rin ako sa isang fraternity,kaya naman ako sumali dito ay ay akala ko dito masusukat ang kakayahan ng isang tao.Nagkamali ako dahil ditto lalo akong nalulong sa bisyo,hindi naman ako katulad nila na araw araw pag nagustuhan ko lang o kaya naman may okasyon.Nawala lang ang mga bisyo ito ng umatend ako sa isang seminar ng mhcc,nalaman ko na kasalanan pala ito sa paningin ng Diyos.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjMf7YtklS1RewhkhxyoQ6WjZHzWIMuGHXMSCsidlHXe1zNA0WgOfXX5zpwGH74UoEQWfB-BNXkLLnmTd6vTedVm-Ub91Jqo-BmPDc9SwNvcVAG_s085e6K3GoosmbJGhzHE0zqCWm7lQ4/s1600/cl.jpg
class picture namin ngayung 4th year
          Hanggang sa dumating na ang huling stage  ng high school ang 4rth year.Hindi na ako nanibago sa kanila dahil marami na rin akong nakasalamuhang katulad nila.Maganda rin naman ang samahan namin,kahit na kung minsan nayayabangan ako sa kanila.Nahirapan ako sa mga subject kasi kung minsan hindi ako nakakapasok dahil wala akong pamasahe.Pero tinutulungan ako ng aking mga kaibigan,hanggang sa ngayon malapit na naman ang graduation,hiling ko lang sana lahat kami ay makagraduate.Go 4INTERNATIONAL kaya natin yan.At dito po nagtatapos ang aking talambuhay sana po ay nagustuhan nyo.

SALAMAT PO!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento