Huwebes, Marso 3, 2011

Ang Talambuhay ni Rose Ann Legaspi O.

                                                                    "Ang Babaeng Suplada"

           Ako si Rose-Ann Orsua Legaspi, Isinilang ako ni Rwena Orsua Legaspi at Richard Legaspi Orsua sa Caloocan Manila noong Agosto 11, 1994. Ang tanging ikinabubuhay lang ng aking mga magulang ay isang frame Contractor, hindi naman kami pinagkaitan ng kabuhatan at hindi rin naman kami salat sa buhay tulad ng iba.......ngayon ay nakatira kami sa Santa Elena.
                               
                                             Nung akoy nagsisimula pa lamang sa high school

                (2) kaming magkakapatid sina kristine,ricson,roseann,richard jr.,ruel,rochelle at jaylord. pangatlo ako sa panganay, nag umpisa ako sa pagaaral noong anim na taong gulang palang, ngunit hindi naman daw ako mahirap turuan sabi ng mga mgaulang ko kayat madali para sa akin ang pag aaral. noong akoy nasa ikaanim ng baytang doon ako nihirapan dahil my mga problemang dumaan sa buhay namin tulad ng kapatid ko nagkasakit siya sa balat tinawag na soriasis, napahinto ang aking kapatid dahil sa malala niyang sakit pero pasalamat ako dahil lalong tumibay ang lood ng pamilya ko buti nalang hindi ako napahinto sa aking pag aaral  ipinagpatuloy ko hanggang sa akoy maka-graduate ng elementarya.
 nang makagraduate ako mas lalo ajong napasubok sa aking kakayahanh dahil hindi madali para sa akin ang pumasok sa ibang paaralan. nagumpisa ako sa unang taon ng hayskul noong 2007-2008 akala ko noon mihrap ang makahanap ng bagong kaybigan pero hindi pala dahil iba iba ang mga taong nkakasama ko dito nakilala si grace siya ang una kong nging malapit sa akin mabait, at lagi niya akong sinasamahan sa lahat nang matapos ang unang taon marami ako natutunan.......
                                        


                                                Mga kaybigan ko sa high school. nung 2nd year
             
           Ngayon ay nasa ikalawang taon na ako sa hayskul la lalong dumami ang naging kaybigan ko. dito ako unang natuto kung paano mainlove dahil dun naging kami akala ko nung una mhrap at masakit ang magmahal yun pala hindi sakanya ko naramdaman ang inaalagaan ako ng ibang tao masaya aKo sa piling niya dito ko din naranasan ang pagkakagusto sa akin ng mag lalaki......maraming mgagandang bagay ang nangyari sa akin sa buong taon ng hayskul ipinagpatuloy ko padin ang pakikipag relasyon ko sa taong aking minahal......

                                               

                                                                Nung akoy 3rd year
               
                     Ngayon ay nasa ikatlong taon na ko sa hayskul dito napaka daming nangyayari sa akin tulad na pagiinom kasma mga barkada pero kahit ganun my mga bagay pa din na kamiy nagtutulungan sa mga aralin ng lumipas ang ang mga araw nagkahiwalay kami ni reynold napapasyahan namin na itigil na ang aming relasyon maskit para sa akin ang mawala siya pero unti unti ay nakalimutan ko na din siya....sa taong to dito din nagsisimula ang tinatawag na J.S napaka saya nito dahil nakakapag suot kami ng pormal na damit at madaming sumasayaw sa akin.......lumipas ulit ang buwan my isang lalake na naman akong nakilala at minahal ko siya sakanya ko naman naramdaman ang pahalagahan ang lahat ng bagay dahil dun naipakilala ko siya sa aking mga mgulang tinanggap naman siy a agad dahil marunong siyang mkisama......malapit na matapos ang 3dyear highschool ko excited naman ako sa darating na 4th year hjghschool........


                                                             Una kong nain-love

              Ngayon ay nasa ikaapat na taon na ako sa hayskul, hindi madali para sa akin ang makaabot ng ganito sa pag aaral naging mas mahirap para sa akin ito pero dahil sa mga kasama ko na kaybigan nagagawa ko ang lahat ng ito para sa akin ginagawa ko ito para sa aking pamilya upang matulungan ko sila balang araw......hindi ko magagawa ang lahat ng ito kung walang tumutulong sa akin ngayon ay nalalapit na ang aking graduation excited na ko dahil makakapag tapos na din ako at para mapaghandaan ko ang college .....
                                                                   Ngayong 4rtyear

                                      Dito nagtatapos ang talambuhay ni
                                                                                               By:Rose Ann Legaspi Orsua.

Linggo, Pebrero 27, 2011

talambuhay ni renalyn parlero


                RENALYN DE OCAMPO PARLERO                                     

                                                              Nung Akoy Bata pa.
                                                  

ako si renalyn de ocampo parlero also known as....pute,precious at lenlen.isinilang ako noong marso 6,1995,15 taong gulang na ako ngayon.ang mga magulang ko ay sina lita de ocampo parlero at si antonio cartabio parlero.may dalawa akong kapatid na lalaki ito ay sina tom joe parlero at jhon archie parlero.nakatira kami sa brgy. sta.maria magdelana san pablo city.minsan napapagkamalan akong anak ng amirikano  kasi sobrang puti ko.sa sta.maria magdalena ako nag aral ng elementarya at doon din ako nag aral ng kinder. noong grade 1. at  sa balayhangin elementary school ako naman nag aral ng grade2 hanggang grade 5.lumipat kasi kami ng bahay sa calaun doon kasi gusto ng mama ko pero pag week ends nag papahatid ako kay papa sa san pablo para pumunta sa mga lola ko.malapit kasi ako sa lola at lolo ko.noong mag grgrade 6 na ako lumipat na ulit kami sa san pablo dito na rin ako nag patuloy ng pag aaral ng grade 6. unang pasukan ng grade 6 nahihiya pa ako dahil kakaunti pa ang kilalang kaklase pero nung una lang yun di nag tagal madami na rin akong naging ka close,mabait at friendly naman kasi ako.....yan graduation na namin ng grade 6,,, ang saya namin mag kakaklase kasi mag hihighschool na kami. sa col.lauro d.dizon memorial national high school ako nag aaral sa darating na high school.
      1st yr. high school na ako ''i'' ang section ko ang una kong nakilala si ''eunice'' sunod si ''maurieen'',kyrstal at harlene sila ang mga best friend ko noong akoy first yr. nag ka crush ako dun sa isa kong classmate na si ''carl denver''ang cute kasi nya kaya ko sya nagustuhan.
                                                     Nung akoy 2nd year
   
  2nd yr. naman ako kami na ata ang pinakamagulong section dahil halos lingo lingong nasa guidance pffice ang section namin at ang adviser naman namin noon ay si ''ma'am evangelista'' pero napalitan sya ni ''ma'am kuan'',mabait naman talaga si ma'am kuan pero kami lang talaga ang pasaway ehHh.... tanda ko nga nung tinaob ni mam ung table sa sobrang galit nya .inamin ko na nabigla ako sa ginawa ni mam pero nung umalis na si mam mapatawa naman ako. wala kasing kwenta ung president namin na si ''licardo'' puro kasi kayabangan ang nasa isip nun na mayaman daw sila, may dalawa raw silang kompanya  ng  daddy   nya. noon naalala ko nga non nung nagalit yun samen sabi nya pakukulong daw nya kameng lahat kasi pulis daw tatay nya ehh kasi sabi lang naman nya na business man yung ama nya.may pahed ata yung babaeng yun ay.........................................pati nung nag kabutlig sya sa may ilalim ng mata tinanong namin kng napano yun abay! allergic daw sa chocolate....may mayaman bang allergic sa chocolate..mag yayabang na nga lang di pa kapanipaniwala.hahahhahahahahahahhaha...halos lahat ng classmate namin ay galit sa kanya...kase nga sobrang yabang.....

 nung kasalukuyang panahon ay best friend ko pa nun si maureen at harlene si eunice at kyrstal naman ay napahiwalay samin, pero may naging bagong friend kami nun ito ay sina ''ahra'', at ''mika'''' naughty girls'' nga ang pangalan ng tropa namin nun ehh..crush ko nun dati si ''argie peres'' kasi classmate namin yun ehh.super crush ko sya nung 2nd.yr. kami ang cute kase ehhhhhhh....

tapos bakasyon na noon nasa bahay lang ako ka boring ehhh.... walang magawa lagi pa kaming nag aaway ng kapatid kung si ''t-j'' .naalala ko nga nun pag nag aaway kami at hindi ako makaganti gawa ng magagalit si papa ginagawa ko na lang nilalagyan ko ng asukal ang damitan nya para langgamin ito  at pangathan sya pag sinuot nya ito.

haiiist...pasukan na naman ang saya ko kasi 3rd.yr na ako ''g'' ang section ko nun ang dami naming kalokohan ng mga classmate ko.dito din naging best friend ko sina ''arvin'' ''miyo'' ''kristine'' ''maricon'' at ''weiland'' best friend ko pa din nung sina ''nika'' at ''maureen'' at ''harlene'' kaya nabuo nang girls generation.tanda ko pa nun ang tawag samin ng adviser namin ay ANG MAKASAYSAYANG 3-G.lagi akong late sa 1st. subject namin kaya binagsak ako ng teacher ko.
                             GIRLS GENERATION



                                                                  Mga BFF ko

nuong 3rd.yr. din ako nakilala ko si ''aljun grutas''.feb.10.2010 naging kami mahal na mahal namin ang isat isa kahit na nag aaway kami kinakaya namin lahat.nag promise pa nga kami sa isat isa na kahit na anong mang yari hindi kami mag hihiwalay.May 18.2010 sinara ko ang pangakong yun kahit na mahal na mahal ko sya nakipag break ako sa kanya nawalan na kasi kami ng time sa isat -isa nuong una ayaw nyang makipag break pero bandang huli pumayag na rin syang makipag hiwalay sakin

bakasyon na naman nakilala ko si ''jowel perez'' naging kami pero kahit kami na noon mahal ko parin si aljun.pero pag kalipas ng isang bwan ay nag break na kami ni jowel hindi  ko naman kasi sya mahal ehh.....

pasukan na ng 4th.yr. noong ''i'' ang section ko. nag kahiwahiwalay din kaming nag kakaybigan kimi na lang ni miyo ang mag kaklase pero kahit ganun mag bebest friend parin kami.lagi nga kaming nakatambay sa trojans at patio.division meet na nun nag punta kami sa palakpakin tapos nag swimming kami sa daragat grabe ang hirap ng daan feeling mo mahuhulog ka.para kaming nag hihiking noon ilang araw ngang masakit ang katawan namin ay....pero ayos lang may new experience naman kami.

field trip namin hindi kasama si ''miyo'' ''maureen'' ''weiland'' at ''harlene'' pati si ''chamille'' at ''jestley'' sayang saya saya pa naman namin ni ''ani cris''

december 16 chrismas party sana namin nun kaso hindsi natuloy hindi kasi mga nag bayad ang mga classmate ko kaya mag swimming na lang kami sa boying biglaan nga ehh wala kaming dalang pagkain nagutom tuloy kami pero ayos lang  ang saya naman ehh..;.

feb.11.2011 js prom na namin noong una ayaw naming sumama kasi ayaw namin ng concept pero sumama pa din ako kaso nga lang hindi nakasama si miyo.sobrang saya  ko noong kasi sinayaw ako ng crush ko.



                                   JS PROM



 ngayon matatapos na kami ng high school grgraduate na kami..[kung                                              makakagraduate]hahhahhahahahaha....hinding hindi ko malilimutan ang high school life at ang mga taong naging parte na nag buhay ko sa mga teacher,mga classmates at higit sa lahat sa mga BFF'S kong laging nandyan para sakin at handang dumamay pag may problema ako...
hiling ko lang sana maka graduate kaming kahat at naging sucessful in the new future




                                                       Class pic. namin



Huwebes, Pebrero 24, 2011

Talambuhay ni Mark Anthony Dimasapit

              Taong 1993,ika – 5 ng disyembre isinilang ang batang nagnganalang Mark Anthony  Dimasapit. Labingpitong taong gulang at nakatira sa brgy. Imok calauan,laguna. Ang king mga magulang sina Roda Dimasapit at Mario de Jesus. Ngunit  hindi katulad ng ibang bata ako ay hindi lumaki sa piling ng aking mga magulang.



https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgPlF-GeS9KbKiIt3w0lgUGlZ3g_3WJwjTZPa7hSKBX9KchqlyXYUK3u1AvCzukM1Mq5nyIsMXlObA7-NUbAR-uil81fXJbZb3DH4xbitdfYTMgYmp7TXUXsP1TCD5tWbUE6S8bDpaPRrw/s400/kj.jpg
Kuha naming pic malapit sa aming kinakainan
           Dalawang taong gulang pa lamang ako nahiwalay ay nakahiwalay na ako sa kanila. Nang makulong ang aking ama ay ipinaampon ako sa aking lolo at tiyahin na nag-aruga,nagpalaki at nagpaaral sa akin.Itinuring nila akong tunay na anak at itinuring ko rin silang tunay na magulang,sila ay sina Maylene Dimasapit at Porfirio Dimasapit.naging mas malapit ako sa kanila kaysa sa aking mga tunay na magulang,tinatawag ko silang nanay at tatay.hindi tulad ng iba,naging malungkot ang pagluwal sa akin,ako raw ay isang oras ng patay ng lumabas.nagpapasalamat ako at binigyan ako ng Panginoon ng pangalawang buhay.
          At nang pagtungtong ko ng 4 na taon nag-umpisa na  akong  mag-aral ,ito ay sa tatay,rizal kung saan ako ipinanganak,binigyan nila ako parangal bilang “most behave”.Nang makatapos ako ng daker,lumipat kami sa san marcos s.p.c.doon ko ipinagpatuloy ang aking pag-aaral bilang kinder,nagkamit din ako ng karangalang most behave at 4rth honor.nabigyan ako ng alaala,nagkapeklat ako sa binti dahil sa kalikutan,imbis na sa pinto ako dumaan palabas ay sa bintana ako dumaan,may nakausli pa lang pako dun.makalipas ang ilang buwan hindi namin namalayan na graduation na pala,hahaha.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjgIhwUaJ-ic5oH67Dcb89URd_kDfNrEGVaHlRRzXg9W_76c2MJp3Utc6XZuwTdFD52Sl8tRpgSlXb1EYJ5-s2mZ02k-MF_Xiw_-ZEwuX8ISUYF2nmumLJ4FxG98otQMTNY9Tkb81hosmg/s320/kj2.jpg
todo pause kahit mabanas nung araw na un
          Akala ko noon ala ng pasok dahil tapos na ang graduation,hindi pa pala dun nagtatapos meron pa pala.Ang grade one, ang pinakahindi ko malilimutan noong elementary pa ako,pano ba naman napa squat kaming buong klase dahil sa pagyaya ko sa kanila na lumabas para tignan lang yung eroplanong dumaan may kasama pang pingot sa tenga pag-uwi.
          Marami akong naging kaibigan,napakasaya lalo na pag nagkukulitan,habang tumatagal lalo kaming nagiging close sa isa t isa.kami-kami pa rin ang magkakaklase hanggang sa matapos kami nang pag-aaral.Natandaan ko pa noong naging player ako ng takewando,habang nagjajogging kami bigla akong lumingon sa likod,tumama tuloy ako sa ulo ng kaplayer ko nagbukol ng malaki ang aking mata,ang masama pa pag-uwi ko napalo pa ako anak ng teteng.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgQF77xvSWcKGvnRj5nFs-HUDZwDLhss8jh5mewxxNP-T9pYHl09zIRLMTgClSOCg04Vt-69lbHedKFpjdEwn9K4zUK3-n0f2oEzmVeaByXS_iu-k-42HTcI7mez-mBIJK4jpQe8sq3GFE/s320/kj5.jpg
picture namin nung JS
          Grade six nagsimula na aking magkacrush,dahil dun nakabuo kami ng isang banda para lang mangharana noong recognition,ang pangalan ng banda naming ay jivana and jema band based on our initial name.Ilang buwan na lang graduation na nalungkot kami kasi magkakahiwalay na ang barkada.akala ko ayon na ang pinakamalungkot na mangyayari sakin ang mawalay sa mga kaibigan,pero hindi pala mas nakakalungkot ang malawan ng mahal mo sa buhay lalo na ang nagpalaki at nag-aruga sayo.December 25,2005 ,pagkatapos kong maggala at mamasako nadatnan ko ang aking tatay na nakikipag away sa kapitbahay,hindi ko ito pinansin kasi hindi ko naman alam yun,nang tignan ko sila sa likod ng bahay naming nakita ko nakaluhod na ang aking tatay at may nakatutok na tubo sa kanyang batok akala ko kung anu yun,yun pala ang tinatawag sumpak na siyang pumatay sa tatay ko.Naging malungkot ako noon,ibinurol ang tatay ko ng limang araw nagpunta ang mga tunay kong magulang.
          Hindi ko sila pinapansin nun dahil may hinanakit pa ako sa kanila pero kinausap ako ng aking mga tiyahan na naging dahilan para mapalapit ang lood ko sa kanila.Gusto na nila akong kuhanin dahil wala na daw ang tatay ko,pero hindi ako pumayag dahil gusto kong lumaki sa piling ng aking nanay na siyang nagpalaki sa akin.Lumipas ang ilang buwan at unti-unti ko ng nakakalimutan ang pagkawala ng aking ama.Pinagpatuloy ko ang king pag-aaral ng sekundarya sa Col. Lauro D. Dizon MNHS.Nakahalubilo ko ang ibat ibang uri ng bata,may makulit,mabait at pala-away.Pero kahit ganun naging kaibigan ko pa rin sila,nakalipas ang ilang buwan ko sa 1st year tumawag sakin ang aking mama nagalit pa nga ako dahil tumawag siya sa oras ng klase,pero nagulat ako sa sinabi nya,patay na daw ang tunay kong ama hindi pa ako naniniwala nung una pero nung ipinakiusap nya sakin ang aking lola tsaka pa lang ako naniwala na nagbigti nga daw ang aking ama.hindi kaagad ako pumunta sa burol nya dahil may pasok nga,pero nung huling burol napilitan akong umabsent para pumunta dahil nagpaparamdam na siya sa akin,eh takot pa naman ako sa multo.Inilbing ang aking ama na may sama ako ng loob ko sa kanya,nitong 15 na ko tsaka ko narealize ang mga pagkukulang nya.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh8jUCMT6FYAbJ7JnLwei5lSoZkj697HuhkItPhyRYY8NWNvkcEa9Z-CyOS783jQk2MrH3csN8ofd8ybJUtj4ow2u2zbLE_du-lIH8l-yrex8MdAZY0Ucr6nDI4Cy2mjxwfDtXq5H6-NAc/s320/kj3.jpg
nakuhanan pa ko e tumago na nga ako
          Lumipas ang ilang taon na hindi ko na ko na kasama ang aking mga Ama.Pero kahit naging malungkot ang mga pangyayari sa aking buhay,naging matatag pa rin ako at ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral.2nd year panibagong taon,panibagong muka rin ng aking mga kaklase.Sa part naman ng aking high school life ayon ang pinakamasaya,kasi lahat kami ay magkakaclose ma babae man o lalaki.Kaya naging malungkot ako nung naging 3rd year na kami dahil iba iba na kami ng section may bumaba may tumaas pero kahit ganun hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan naming nagkaroon kami ng reunion sa bahay ng isa naming kaklase.Nagpicnic kami sa isang ilog na malapit sa kanila,nagluto kami nasunog pa,pero sa mga taong gutom walang sunog-sunog.
          Dumating naman sa buhay ko kailangang tumigil sa pag-aaral dahil sa kakapusan sa pera dahil humina ang tahi ni nanay.Hanggang sa napalipat kami sa brgy. Imok kung saan kami nakatira ngayon.Hindi naging madali ang pakikisama ko sa mga tao dun,marami akong nakaaway.Dun din ako napasali sa isang samahan ng kabataan,akala ko nung una kong anu yun,samahan pala ito ng mga kabataan para kay mama mary ito ay tinatawag na mary help of Christians crusade o mhcc.Naging member ako nito,dahil sa samahang ito marami ako natutunan tungkol sa mga ispiritual na bagay tulad ng magdasal,magsimba tuwing lingo,umatend ng mga seminars,magvigil tuwing 1st Friday.Napasali na din ako sa knights of the altar o kilala sa tawag na sacristan,pero kahit napasama ako sa mga maka Diyos na samahan naging pasaway pa din ako.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj5Rhw7jJ0nI5Dv2rkX9OU09mIxeErf2AWANB2j87ub2tJJsgB5w7jxpinRK6tYEJcklflC5_ht_I8FR5RsoCOXwHrxu9d2PoCwOrWVSCFgITKTJ6uXbtD_pMbM1ute_8CXwsud4Cw96l4/s320/kj4.jpg
larawan namin ni martinez
          Natuto akong manigarilyo at mag inom.Napasali rin ako sa isang fraternity,kaya naman ako sumali dito ay ay akala ko dito masusukat ang kakayahan ng isang tao.Nagkamali ako dahil ditto lalo akong nalulong sa bisyo,hindi naman ako katulad nila na araw araw pag nagustuhan ko lang o kaya naman may okasyon.Nawala lang ang mga bisyo ito ng umatend ako sa isang seminar ng mhcc,nalaman ko na kasalanan pala ito sa paningin ng Diyos.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjMf7YtklS1RewhkhxyoQ6WjZHzWIMuGHXMSCsidlHXe1zNA0WgOfXX5zpwGH74UoEQWfB-BNXkLLnmTd6vTedVm-Ub91Jqo-BmPDc9SwNvcVAG_s085e6K3GoosmbJGhzHE0zqCWm7lQ4/s1600/cl.jpg
class picture namin ngayung 4th year
          Hanggang sa dumating na ang huling stage  ng high school ang 4rth year.Hindi na ako nanibago sa kanila dahil marami na rin akong nakasalamuhang katulad nila.Maganda rin naman ang samahan namin,kahit na kung minsan nayayabangan ako sa kanila.Nahirapan ako sa mga subject kasi kung minsan hindi ako nakakapasok dahil wala akong pamasahe.Pero tinutulungan ako ng aking mga kaibigan,hanggang sa ngayon malapit na naman ang graduation,hiling ko lang sana lahat kami ay makagraduate.Go 4INTERNATIONAL kaya natin yan.At dito po nagtatapos ang aking talambuhay sana po ay nagustuhan nyo.

SALAMAT PO!!!

Miyerkules, Pebrero 23, 2011

Ang Talambuhay ni John Teody Briones ( Ang Batang Makulit Daw? )

ako sa kasalukuyang taon..
Ako si John Teody Cataag Briones, ipinanganak noong Abril 12 1995, bunga ako ng mag-asawang Leila Cataag at Teodoro Briones, Ipinanganak ako sa Canlubang Laguna, ang aking ina ay tubong san pablo laguna at ang akin namang ama ay tubong victoria laguna.

              Meron akong isang kapatid na babae, ang kanyang pangalan ay Apple Mae Bolivar, siguro nagtataka kayo kung bakit mag kaiba kami ng epilyido? dahil hindi tlaga kami mag kapatid sa ama, pero gnun paman tunay na mag kapatid ang turingan namin sa isat isa.

ako at ang aking kapatid..
            Lumaki ako sa piling ng aking pinakamamahal na lola, hindi ko alam kung bakit, ang lagi nya lang sinasabi sa akin ay may trabaho daw ang aking ina, at ang ama ko naman ay nauwi laang noon gada linggo, pag misan nga eh buwanan pa ang kanyang uwi, masaya ako sa piling ng aking lola, dahil sa mapag mahal siya at mapag aruga, sabi pa nga ng mga tita ko ako daw ang paborito nyang apo, lagi kaming sabay na kain ng tanghalian, pag minsan nga eh pauli-ulit nalang ang aming ulam, lagi nalang kalabasa, pero hindi kami nag sasawa dito dahil paborito namin ito parehas.

            Limang taon ako ng pumasaok ako sa kinder, masaya ako noon dahil ang pasok lang namin noon ay umaga at pag kaawas ko nang tanghali ay diretso na agad ako sa pag bibisekleta, paborito kung laruan iyon nung ako ay kinder pa lamang pero hindi ako pinapayagn ng aking lola na mag bisekleta sa kalsada pero doon ko gusto kasi malawak, tanda ko parin noon pag napasok kami lagi kaming pinag dadala ng aming guro ng face towel un daw ang aming pamunas namin sa aming maaamos na muka, at isang araw pa nga noon wala kaming pasok yung kaklase ko na kapitbahay namin, inasar ko siya hanngang sa mag iyak siya ang lakas na lob ko dahil kasama ko yung pinsan ko na malaki na, pero nung kinabukasan sa sobrang takot ko nag pahatid ako sa nanay ko kahit may trabaho siya, pero hindi naman ako pinaiyak ng kaklase ko, sabay pa nga kaming umuwi noon at mag kasama kami sa pag papapraktis nang aming gradution, dumating na ang araw na kami ay gagraduate, nag taka ako kung bakit ako may sabit na medal, sabi ng nanay ko magaling daw ako kaya meron ako noon, tanda ko parin noon na umiyak ang aking kaklase dahil wala daw siyang medal.

              Taon ding iyon, malubha na ang sakit ng aking lola, hindi ko alam ang sakit nya basta malungkot ako kasi hindi ko na sya nakakasabay sa pag kaen, isang araw nalang ng dinala siya sa ospital kasama ang nanay ko, at pag uwi ng nanay ko agad sinabi sa akin na wala na daw ang lola, hindi ko alam kung anung gagawin ko, basta nalang tumulo ang luha ko noon ng hindi ko.

            Anim na taong gulang ako ng pumasok ako ng grade 1 hindi na ako masyadong nakakapag laro noon dahil mag hapon na ang aming pasok, pero masaya parin nag kitakita muli kaming mag kakaklase, nakakapag laro na lamang ako noon ay pag sabado at lingo, kasama parin ang kaybigan ko na pinaiyak ko noong kami ay kinder.
           
            Pinaka malungkot na taon na siguro ito para sa akin dahil nga sa ang tagal nbang hindi nauwi ng aking ama nasabi nalang sa akin ng aking ina na malubha na daw ang sakit nito na cancer, ang tanong ko lang noon kung nasaan siya, sinabi naman ng aking ina na nasa kanila daw sa Victoria agad ko siyang niyaya duon upang bisitahin, pero nang dumating kami duon e hindi ko na siya nakaka usap ng maayos, basta nalang siya nakahiga, sabi ni inay dahil daw sa sobrang takaw manigarilyo at mag-inom ng alak ng aking ama kaya siya nag kasakit ng ganoon, nung kami ay paalis na noon sobra nalang ang nadama ko na kalungkutan, bakasyon na iyon at malapit na uli ang pasukan.

               Umakyat na ako ng grade 2 at inilipat ako ng aking ina ng school napunta ako sa central school, dahil daw kagalit niya ang magiging guro ko nsa akin dating paaralan, ng isang araw sinabi sa akin ng aking ina na wala na daw ang aking ama, agad akong napluha nuon, hidi agad kami nakapunta doon, nakapunta lang ako noong libibg na nya, napakalungkot ko kasi wala na ang aking pinakamamahal na ama.

              Pinagpatuloy ko ang aking pag aaral kasama ang aking ina at kapatid, naranas ko noon na kumaen ng tanghalian sa labas lamang ng classroom, hindi ako noon makakain sa canteen wala akong kasama, dahil puro may mga nana yang mga estudyante doon, at ang nanay ko naman ay maraming ginagawa, at abala siya sa kanyang trabaho.

              Nakatapos ako ng pag aaral doon, maraming nagging kaybigan, malungkot dahil hindi ko na sila muling magiging kaklase dahil halos lahat sa kanila ay sa private school na mag aaral, kahit gustuhin kong sa private mag aral dahil san a iinggit ako sa kanila at dahil narin sa ang aking kapatid na babae ay sa liceo de san Pablo nag aaral, pero ayaw ng aking ina kaya naman sa dizon high ako pinapasok ng aking ina.

              Masaya ako sa pag pasok sa dizon high, maraming mga kaybigan, at isa pa ay kasama ko ang 2 kong kabarkada na nakatira rin sa aming baranggay, mag kasama kaming tatlo sa pagkain, sa pag uwi, at pag minsan pati narin sa pag cucutting classes, at nakapasa naman ako ng 1st year.

              Umakyat ako ng 2nd year kung saan martami akong natutunan, dito ko naramdaman at naranasan kung ano ang pakiramdam ng mahulog sa klase, dahil lagi akong late, pag minsan hindi na talaga ako napasok, mag hapon akong tambay, hanggag sa dumating ang araw na nalaman ng aking ina na halos lahat ng aking marka ay hulog, napaawa ako noon sa aking ina, tama nga nasa huli ang pag sisisi. Nag karoon ako noon ng summer classes, dahil sa gusto ng ina ko na umakyat ako ng 3rd year na walang masyadong bitbit na asignatura, at naipasa ko nmn ang aking summer class.

              3rd year na ako noon, marami ng pag babago, masipag na akong pumasok noon, masarap pala ang pakiramdam ng napasok ka, akala ko noon hidi kasi nga naiisip ko nakakatamad, at doon ko rin naisip na kaylangan kong mkapag tapos ng pag aaral para mabigyan ko ng magandang buhay ang aking ina at kapatid, at para narin masuklian ko ang mga binigay na suporta sa akin ng aking ina, pero marami na talaga ang nagbago sa buhay ko noon, umattend nga ako ng isang seminar sa simbahan, hindi lang ito basta seminar, isa rin itong samahan ng mga kabataan, marami ako’ng natutunan ditto, nalaman ko ang kahalagahan ng aking pamilya, at pagmamahal sa pamilya, ang samahan nga palang iyon ay tinatawag na BOND OF LOVE SOCIETY o SOCLea seminar on Christian leadership, masaya talaga ang naramdaman ko.

ako at ang BOND OF LOVE SOCIETY..
ako at siya :)
               4th year na ako ngaun, masaya maraming kaibigan, nung una panga na pasukan ay hindi talaga ako nabibilang sa pangkat ng I kundi ako dapat ay sa pangkat ng H, pero ayoko doon dahil ang schedule ng pasok ay pang hapon, kaya isinama ko ang aking ina upang kausapin ang aking adviser, at nagawan naman ito ng paraan, nakilala ko ditto ang tunay kong kaibigan kung saan sila ay masayahin, at masarap makisama, magkakasama kami sa naganap na SCIENCE CAMP masaya kami nuon, pero hindi lahat ng mga kaibigan ko ay nakasama, pag katapos naman ng science camp ay sumama naman kami sa FIELD TRIP 3 lang kaming mag kakasama sa aming mag kakaibigan nuon, natapos ang field trip at sumunod naman ang JS masaya rin naman ako nuon, paano kasi gawa niya, siya yun. Pero ang pinaka masayang part ang pagiging 4th year ko ay ang nalalapit na GRADUATION DAY, magkakahiwalay na kami ng mga kaklase ko at kaibigan, pati narin siya, at iyan ang aking talambuhay, SALAMAT J